NOW SHOWING in Madame Kari’s Movie House!

“Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington” (Comedy/Horror)

- - - Double With - - -

“There Will Be Blood” (Drama)

4 notes

“Magic Fold” - THE GREATEST INVENTION EVER MADE!!! Specially for those who find it difficult to fold their laundry. :D

“Magic Fold” - THE GREATEST INVENTION EVER MADE!!! Specially for those who find it difficult to fold their laundry. :D

If Life’s a bitch… then Death’s a f*cking virgin!?
Girl_Eats_Boy
Fairy Goth-mother and poetaster.

1 note

is currently playing my dad’s old CD of Dire Straits’ “Brothers in Arms” album, and it’s being scrobbled to my last.fm. ;D

Have the courage to be ignorant of a great number of things, in order to avoid the calamity of being ignorant of everything.
Sydney Smith (1771 - 1845)
British clergyman, essayist, and wit.

Because of my almost disastrous Head Nursing experience, I wasn’t able to feel the spirit of Valentine’s Day. ;P

Pangatlong Misa ng Simbang Gabi

Sa anticipated mass pa rin kami nagsimba ni mommy sa St. William’s Cathedral ng 7pm. Bago mag-umpisa ang misa ay siniguradong kong nakakain ako dahil buong araw na wala akong kinain… Mahirap na ang walang laman ang tiyan habang nagsesermon si father, dahil baka hindi ko ma-absorb ang kanyang mga mensahe. Hehe! Kaya kumain na muna kami nila Dianne at Ate Rachelle sa KFC. Nang matapos na kaming kumain ay mga 6:30pm pa lang ata iyon, naghiwalay na kami dahil uuwi na sila.

Magkikita na lang kami ni Mommy sa simbahan kaya tinext ko siya na medyo agahan niyang dumating para magandang pwesto ang aming maupuan dahil madami din ang nagsisimba sa anticipated mass, puno ang pews at dahil dun medyo marami ang mga nakatayo tuloy. Kaya pumunta na ako sa simbahan kahit wala pang mga 7pm at hinintay si mommy sa labas. Medyo kinukulit ko na nga si mommy sa text dahil baka mawalan kami ng maupuan. Nakita pa tuloy ako ng ilan sa mga kamag-anak namin habang naghihintay, at kinantsawan pa ako na may ka-date daw, hay naku! Todo paliwanag naman ako na si mommy ang hinihintay ko… Mga ilang minuto ang nakalipas at dumating na din si mommy. Pumasok na kami at nakahanap din ng mauupuan. Hinintay na namin na mag-umpisa ang misa…

Gaya ng misa kahapon ay marami ang mga nakimisa. Kakaiba pa ang klima ngayong gabi dahil malamig ang simoy ng hangin, malapit na nga talaga ang Pasko! ;D Kaya giniginaw tuloy ako, hindi tulad kahapon na mainit. Kasabay ng misa ay may malakas na kantahan at tugtugan sa plaza kaya hindi masyadong maintindihan ang misa, habang nagsesermon si father ay naririnig mga kanta nila Lady Gaga, Bruno Mars, atbp. Malamang nakakairita, sana man lang ay hindi sinasabay ang misa at ang palabas sa plaza. Parang gusto ko na lang mag-simbang gabi ng madaling araw dahil tahimik.

Ang tinalakay sa sermon ni father ay si Joseph, ang ama ni Kristo. “Foster father” pala ang pagtukoy sa kanya, dahil si Kristo ay nabuo sa pamamagitan ng “Immaculate Conception”. (Kunwari ngayon ko lang yan nalaman…) Naaalala ko tuloy noong bata pa ako, nagtataka ako noon kung bakit dalawa ang ama ni Baby Jesus. Hmmm…

Mayroon palang nangyari kanina habang nagmimisa, na hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa aking isipan… Yung misa kahapon may mga nakasabay kaming mga cute na mga batang lalaki, at kanina nandoon na naman sila. Yung isang bata, mga 3 o 4 taon gulang, tapos yung mas bata mga 2 o 3 taong gulang. Hindi sila magkaano-ano pero naging magkalaro sila. Nakakatuwa, at mapapansin mo talaga na ang mga bata madali lang makipagkaibigan. ;D Ang nangyari na hindi ko pa rin nakakalimutan ay iyong ginawa nung mas bata. Bale ganito yung nangyari, “nangapitbahay” siya sa ibang pew dahil may batang babae doon, tapos nakuha ang kanyang atensyon nung maliit na bag nung batang babae. Alam naman natin na ang mga bata kung ano-ano na lang ang mga pinaggagawa, kaya itong batang ito ay bigla na lang gumapang sa sahig na parang sanggol. Hindi ko napigilang matawa dahil nakakatawa yung itsura niya tapos ang cute cute pa talaga niya. Nung nakita pa ni mommy yung ginawa ng bata, ang sabi niya “Diyos ko, Diyos ko”. Mas lalo pa akong natawa sa reaksyon ni mommy. Pero siyempre sinita na yung bata ng kanyang nanay lalo pa’t ang dumi ng sahig. Sana makita ko ulit sila bukas. ;D

Kanina din nagkaroon ng konting bloopers yung choir sa kantang “Lamb of God” ata yun… Hindi naman “major major”, medyo nawala lang naman sila. Magaling naman sila eh…

Haha! Ano ba yan ang dami ko na palang nakwento tungkol sa misa kanina, kaya hanggang dito na lang muna. Sa susunod na misa ulit. ;D

Pangalawang Misa ng Simbang Gabi

Ngayong taon lang nagkaroon ng anticipated mass sa St. William’s Cathedral, dati sa St. Jude lang. Mabuti ay nagkaroon na, dahil marami ang mga may nais na makapag-simbang gabi ngunit hindi sila nakakadalo dahil masyadong maaga napupuyatan sila sa trabaho o klase. Ang paggising ng maaga para sa simbang gabi ay paraan ng pagsakripisyo, pero kahit naisin mo man na makadalo, gumising ng maaga at magsakripisyo, may kanya-kanyang dahilan kung bakit hindi sila nakakadalo.

Kaya sa pangalawang misa ng simbang gabi ay sa anticipated mass sa St. William’s ako nakimisa ng 7pm. Nagulat ako dahil puno ang simbahan kahit anticipated mass. Mabuti at may nakuha akong upuan pero hindi ko natabihan ng upuan si mommy, medyo nahuli kasi siya dahil masakit ang kanyang ulo pero nakahabol naman siya.

Bale sa araw na ito, dalawang beses ako nagsimbang gabi dahil nakimisa din ako sa unang misa ng simbang gabi ng 4:30am sa City Plaza, tapos ito namang anticipated mass para sa pangalawang araw… At dahil diyan, baka lumampas na ako sa langit, haha! ;P

Sa totoo lang, nakakatulong ang araw-araw ng pagsimba. Mas nagiging mabuti akong tao, dahil naaalala ko ang mga dapat gawin at mga hindi dapat gawin ng isang Kristyano. Nagiging malapit na naman ako sa Diyos, dahil nitong mga nakaraang panahon ay medyo naging malayo ako sa kanya… May mga pangyayari kasi sa buhay na kung saan nasusubukan ang inyong paniniwala sa Diyos, kung gaano ito katatag. Hindi mo din kasi maiiwasan na magtanong sa Diyos kung bakit kailangan mangyari ang mga ilang bagay dito sa mundo, na minsan nga ay sa Kanya pa natin sinisisi. Pero gaya nga ng paniniwala ng iba, may plano ang Diyos na mabuti para sa atin.

Sana makumpleto ko lahat ng araw ng simbang gabi… At kung sakali mang makumpleto ko, ano kaya ang aking hiling? May paniniwala ang iba na kapag makumpleto mo ang siyam na araw ng simbang gabi, maaari kang humiling at magkakatotoo ito… Totoo man ang paniniwala na iyan o hindi, pero ang tanging hiling ko lang naman ay manatiling malusog, masaya at ligtas sa kapahamakan ang bawat miyembro ng aking pamilya at ang aking mga kaibigan.

Unang Misa ng Simbang Gabi

First time kong makimisa sa plaza dahil sa St. Jude kami madalas nagsisimbang gabi. Ang dami palang tao kaya napuno lahat ng upuan at bleachers, dapat pala mga 3:30am nandoon ka na para makaupo. Kaya nakatayo lang ako medyo malapit sa CR kaya siyempre “mabango”! 4:30am nagsimula ang misa, at laking gulat ko dahil Ilokano pala yung misa, huwaw! At dahil diyan “peace be with you” at “amen” lang ang nasabi ko. Pero nakasabay naman ako sa misa, at ang mahalaga ay ang inyong pananampalataya, mga dasal, at sakripisyo. Nagustuhan ko yung opening song kahit Ilokano, tapos ang galing nung babae na kumakanta ng solo nung responsorial psalm, ang taas ng boses. Mga mag-6am na ng matapos dahil may mga sumayaw pa. Mag-aalmusal sana ako sa Jollibee kaso ang haba ng pila kaya sa Chowking na lang ako pumunta, at nag-order ako ng congee (dahil diyan, may libre akong Manila Bulletin, oh yeah!) Matagal na din ako huling nakakain ng congee dahil available na lang yun tuwing umaga. 8 pa na mga misa, kaya sana makumpleto ko… Magandang umaga nga pala! (^,..,^)

Watchmen - Rorschach's Death Scene

  • Outside, in the snow, Rorschach comes across a copy of Jon standing in the snow...
  • Rorschach: Out of my way. People have to be told.
  • Jon Osterman: You know I can't let you do that.
  • Rorschach: Suddenly you discover humanity. Convenient. (Takes off his mask)
  • Rorschach: If you'd cared from the start, none of this would've happened.
  • Jon Osterman: I can change almost anything... but I can't change human nature.
  • Rorschach: Of course, you must protect Veidt's new Utopia. What's one more body amongst foundations? Well, what are you waiting for? Do it...
  • (Jon hesitates)
  • Rorschach: DO IT!
  • (Jon makes Rorschach explode into a pile of blood)
  • Dan Dreiberg: NOOOOOOOO!
  • ---END OF DIALOGUE---
  • girl-eats-boy's Notes:
  • There's an upcoming event for our class that is, sad to say, disagreeable and non-negotiable... And because of that, I feel like I'm Rorschach of the comic book/movie "Watchmen"...